Ang Higanti ng Agila V: ANG TEAM LUNA + 1

Mukhang hindi lang basta basta na grupo ng mga sundalo si Alex at ang mga kaibigan nito. Madali lang kaya nila mahahanap kung sino ang kasama ni Julia sa nasabing video. Paano na si Andrea na may pagtingin kay Alex.

..

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

==========

Unknown Mountain, Itogon, Benguet

Kasalukuyan na nakaparada ang isang itim na fortuner sa gilid ng kalsada. Ang mga pasahero nito ay nasa labas at dala dala na ang kanilang mga gamit. Si Randall ay bitbit ang laptop nito sa kanyang backpack kasama ang limang hard drive.

Si John naman ay dala dala ang isang backpack din at laman nito ang ilang gamit nila kasama na rin ang limang album na puno ng mga larawan. Sila tata berting, kuya cesar at alex naman ay nasa unahan.

“ Berting….sumunod ka lang sa akin… kung gusto mo makalabas ng buhay dito” ang sabi naman ni Kuya Cesar habang may hawak na itong itak. Si Alex naman ay may dalang pala sa kanyang likuran.

“ Mauna na kayo…ako na ang bahala sa likod” ang sabi naman ni Alex. Napatango naman ang mga kasamahan niya at naglalakad na si Kuya Cesar. Napatingin si Alex sa paligid at naglakad na din ito.

Una silang nakarating sa isang hanging bridge na gawa lang sa lumang bakal. Ang paligid nito ay gawa lamang sa chicken mesh. Sa unang tingin ay hindi mo iisipin na matibay ang tulay na ito.

“ Relax ka lang Berting Matibay ito…. Basta gayahin mo lang ang bawat hakbang ko” ang utos ni Kuya Cesar sa kaibigan. Naglakad na si Kuya Cesar at tila ba anino nito ngayon si Tata Berting.

Mula sa paggalaw ng...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow